Imeemadness

Hindi ako mahilig makinig sa mga talumpati ng mga pulitiko. Karamihan kasi sa mga ito ay nakakabobo, nakakatorta ng utak. ‘Yung iba nga, mukhang maging sila ay hindi naiintindihan ang pinagsasasabi; malamang ay ipinagawa lang nila ang kanilang speech sa pipitsuging ghost writer na nangongopya lang naman mula sa Internet. At madalas, halos kalahati ng speech ay pagbati sa mga ibang opisyal at VIP na dumalo sa okasyon, walang patumanggang paghihimuran ng puw*t.

Subali’t busog na busog ako sa aking pagdalo sa State of the Province Address (SOPA) ni Manang Imee noong nakaraang Miyerkules, June 29, sa Ilocano Heroes Hall. At nabusog ako bago pa man inihain ang meryenda.

Napakahusay ng pagkakasulat ng pinakaunang SOPA dito sa Ilocos Norte, at binigyang buhay ito ng flawless na pagbigkas ng minamahal na punong lalawigan.

Alam niyo naman, mahal na karikna, at ‘di ko itatanggi na lubos ang aking pagmamahal at paggalang sa gobernadora, gaya ng pagmamahal ng isang uugod-ugod na Noranian kay Nora. Continue reading “Imeemadness”