Ang guard, ang nagmamadaling pari, at ang hindi nag-amalayer

FEB. 9– Inihatid ko kanina ang parents ko sa St. William’s Cathedral. Alas-siete ng gabi. They are both in their 70’s. Ang dad ko ay dalawang beses nang na-stroke kaya nahihirapan nang maglakad, kinakailangang akayin para hindi matumba. Pero palagi pa rin sila sa simbahan. Devoted sila sa pagsisilbi sa Diyos at hinahangaan ng marami ang kanilang pananampalataya. My mom is a daily communicant and serves as lector during masses.

Nung bumababa na sila sa sasakyan doon sa malapit sa simbahan, biglang pinapaabante ng guard ang sasakyan namin kayat nagmamadali namang bumaba ang parents ko. Hindi ko maintindihan kung anong emergency ba ang meron at hindi makahintay and guard. Halos madapa-dapa na ang parents ko sa kakamadali pero panay pa rin ang madali ng guard.

Bumigat ang loob ko.. parang may hindi tama. Imbes na tulungan ng guard ang mga parents ko e minamadali pa sila nang ganun na lang. Kaya naghanap ako ng parking space sa gilid para makababa ako at makausap ko ang guard.
Continue reading “Ang guard, ang nagmamadaling pari, at ang hindi nag-amalayer”