(Ano po ang maipapayo natin sa letter sender?)
Hayaan niyo naman akong mag-share. At pasensya na sa lengwahe. Baka hindi niyo magustuhan, pero parang gusto ko lang makipag-usap sa isang kaibigan at ganito ako makipag-usap sa isang kaibigan.
Binuklat ko kasi ang lumang diary ko nu’ng nakaraang araw at muli ko na namang naalala ang isang bahagi ng aking buhay na pilit ko nang ibinaon sa aking kamalayan.
I really loved her so much and adored her. I had other girlfriends before pero wala sila compared to this person. Nu’ng high school e we would talk on the phone nang kay tagal. More than two hours, ganun. I would even record the conversations on cassette tape at papakinggan nang paulit-ulit kapag nami-miss ko siya.. Top student siya sa school nila at ganun din naman ako sa amin kaya nagkakasama kami sa mga interschool activities at competitions.
She was very simple and that was what I liked about her. Walang arte. At ang sarap niyang kausap. Talagang may connection kami.
Nu’ng nag-college kami pareho sa Manila, we went to different schools, siya sa UP Diliman, ako naman sa isang Catholic school. Bago kami mag-college e sabi ko bibisitahin ko siya sa UP. Sabi niya huwag, conservative kasi ang family niya at very religious, as in. At naintindihan ko naman na gusto niyang mag-focus sa pag-aaral. So I respected that. Nag-uusap naman kami paminsan-minsan sa landline sa dorm. And we would also write letters to each other by mail kasi hindi pa masyadong uso ang text noon. Kakatuwa nga e, kasi nasa Quezon City siya at sa Manila din lang naman ako pero by snail mail ang communication namin. Subalit iba talaga ang feeling kapag sariling penmanship niya ang binabasa mo. Parang sasabog ang puso ko sa galak tuwing bubuksan ko ang kanyang liham.
Basta, I respected yung sinabi niya na huwag akong dadalaw. Miss na miss ko siya palagi. Kapag sembreak at umuuwi kami dito sa Laoag ay mas mahaba ang usapan namin, we try to catch up.
There was one time na pinipilit ako ng bestfriend ko na puntahan namin siya sa dorm nila on my birthday pero either ako’y masunurin talaga sa minamahal ko o isa lang talagang dakilang torpe, hindi kami tumuloy.
Then second semester ng second year e may course requirement kami sa theology. Questionnaire for girls we were interested in. Gusto ko sanang ipasagot sa kanya pero nawawalan na ako ng pag-asa. Christmas break noon at hindi ko na siya tinawagan ni minsan dahil nga pinanghihinaan na ako ng loob.
Pero nung Dec. 31, at 10:00 p.m., tumawag siya sa bahay. Mag-ingat daw ako sa pagpapaputok. Sabi ko naman, “Who cares anyway? Sabi niya, “I care.” Sobrang kinilig ako. Kaya naman nagkalakas-loob ako na banggitin ‘yung tungkol sa theo project namin. Continue reading “Torpedo”