(Heto po ang ikalawa at huling bahagi ng sanaysay na sinulat ng isa sa aking mga pinakamahusay at pinakamasigasig na mag-aaral—si Cherry Gatiw-an. Tungkol ito sa kanyang mga karanasan sa pagsasagawa ng pananaliksik sa red district dito sa Ilocos. Si Cherry ay isang third-year Sociology student ng MMSU. Siya ay tubong Pudtol, Apayao.)
SA CLUB NA IYON, walang guwardiya. Mas magulo. Mas marahas ang mga tagpo.
Tumayo ang isang pareha at lumapit sila sa may counter. Halatang lasing na ang babae, nakaakbay sa kasamang lalaki. Kung tama ang dinig ko, may nabanggit na “1500”.
“Ana ‘diay 1500?,” siniko ko ang kasama ko.
“Bar fine!”ang maikli niyang tugon. “Inruardan.”
Saglit pa, humarurot na sa labas ang isang motosiklong tatlo ang nakasakay. Nakapagitna sa dalawang lalake ang babaeng sa tingin ko ay mas bata sa akin ng di hamak.
Nanggagaling ang kita ng mga bahay-aliwan mula sa mga perang ipinapasok ng mga GRO. Sa bawat lady’s drink na inoorder ng mga kostumer, 50 pesos ang komisyon ng GRO at sa management ang 100. Ibig sabihin, tumataginting na 150 ang bayad ng isang bote ng inumin na inoorder para sa tumeteybol na GRO. Depende sa tapang ng sikmura at tibay ng katawan, ang isang GRO ay maaaring kumita ng humigit-kumulang limandaang piso sa bawat gabi. Kung makuha nito ang kiliti ng kostumer, may tip pang dagdag iyon. Hindi pa kabilang diyan ang nakokolekta nilang 20 pesos na show charge sa mga kostumer. Show charge ang tawag sa bayad ng panunood sa mga floor show, ang sayaw ng mga GRO. Kinokolekta iyon pagpasok pa lang sa club. Sisenta porsyento ng kabuuang koleksyon ang paghahatian ng mga nagsayaw, ang matitira ay para sa management.
Mukhang ayos ang kita, ‘di ba? Continue reading “Mga Larawan sa Maharot na Dilim (Huling Bahagi)”